Kailan?

Paano ba tumakas sa nakaraang hindi mo magawang kalimutan.
Sa pagpapanggap na halatang pilit naman.
Sa mga ngiting nawawalan na ng kahulugan.
Sa mga kislap sa matang unti unting pumapanaw.
Sa pagsasawalang bahala sa isang bagay na alam mo di mo kayang mawala sa iyong buhay.

Kailan ba mawawala sakit na nadadama?
Sa bawat pagtawa
May nabubuhay sa gilid ng mga mata.
Lungkot pinipilit na hindi ipakita
Nagbubulagbulagan sa sakit na nadadama
Tama na, ayaw ko nang muling lumuha.
Ngunit hindi mapigilan pag patak sa aking mga mata.

Kailan ba hihinto at lalayo sa ilusyon bumabalot sa bawat sulok ng mundong ginagalawan.
Kailan makakawala at matatapos sa iyong pagkagapos.
Kailan ba?
At kung nalalapit man yan, pakiusap pakibilisan.

Just some random things I did last year. They are not connected and did it in diff time. I just combined it as one so I can delete it in my note. hahaha.